^

PM Sports

Tiwala sa kabataan

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nagbunyi ang bayan sa winning debut ng youth-laden Gilas Pilipinas na nasungkit sa off-balanced three-point shot ni SJ Belangel sa hu-ling sandali ng laro kontra bitter rival na South Korea.

Kumana ng come-from-behind 81-78 win na instantly ay nagpasigla ng Philippine basketball community at nagbigay pag-asa sa panibagong bright future ng Team Phl sa international front.

Pero sana maging firm ang desisyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa kung anong team ba ang huhubugin para isalang sa 2023 World Cup.

Eto na ang mga talentado at mataas na kabataan na siguradong gagaling pa kung panatilihing magkakasama hanggang 2023.

Hindi siguro masama kung bumunot sa PBA ng isa, dalawa o tatlong reinforcement gaya halimbawa ni June Mar Fajardo o mga gunners. Pero huwag naman sanang mauwi sa pick-up system mula sa PBA sa bandang huli.

Mas okay pa nga si-guro kung sugalan na ang team na ito all the way hanggang World Cup.     

Maganda ang pani-mula ng Gilas senior stints nina Kai Sotto at Ange Kouame.

Tiwala sa programa at paggastos sa international training at competition eh puwedeng magbunga ng maganda para sa federation.

Magandang tests ang dalawa pa nilang laro sa FIBA Clark bubble, at magandang training tourney ang parating na Olympic Qualifying Tournament bago ang FIBA Asia Cup proper.

Ang sabi nga, nasa kabataan ang pag-asa. Tayaan na natin sina Kai at ang kanyang mga kasama.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with