_pang-masa
^

Gilas iniligtas ni Belangel

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - June 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbuslo ng pampanalong tres si SJ Belangel bago tumunog ang final buzzer upang akayin ang Gilas Pilipinas sa pambihirang 81-78 comeback win kontra sa karibal na South Korea sa pagsisimula ng ikatlo at huling window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers kagabi sa Clark, Pampanga.

Bunsod ng tagumpay ay na-sweep ng Gilas ang  Group A at nakasikwat ng tiket sa FIBA Asia Cup proper sa Agosto na gaganapin sa Indonesia.

Nagtapos si Belangel ng 13 puntos, limang rebounds at dalawang assists habang may 16 markers at limang rebounds din si Dwight Ramos para sa batang Gilas na naka-iskor ng unang panalo sa tormentor na Korea sa unang pagkaka-taon simula noong 2013.

Huling nanalo ang Gilas sa SoKor noong 2013 FIBA Asia Champioships semifinals, 86-79 upang makabalik sa FIBA World Cup matapos ang apat na dekada.

Sumuporta kina Belangel at Ramos sina Ange Kouame, Kai Sotto at Carl Tamayo na may 12, 11 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Natambakan pa ang Gilas ng hanggang 17 puntos at walo sa halftime bago unti-unting baklasin ang kalamangan ng SoKor hanggang sa umabante sa 78-75 matapos ang and-one ni Kouame, sampung segundo pa sa orasan.

Nakatatabla ang SoKor sa huling 2.9 segundo sag tres ni Hongseok Yang bago ang matamis na game-winner ni Belangel.

Sunod na sasagupain ng Gilas ang Indonesia (1-2) bukas bago muling harapin ang SoKor (2-1) sa Linggo na parehong non-bearing games na.

Swak na sa Asia Cup ang host na Indonesia ng Group A, Lebanon at Bahrain ng Group D, Iran at Syria ng Group E gayundin ang Jordan at Kazakhstan ng Group F habang idinadaos pa rin ang mga laro ng Group C (Australia, New Zealand, Guam at Hong Kong).

Bago iyon, kikilatisin muna ng Gilas ang Indonesia bukas para sa isang laban pa nito kung saan maglalaro na sina Jordan Heading, Geo Chiu at LeBron Lopez na hindi kasama sa unang line-up ng Gilas kontra sa SoKor.

Mananatili sa koponan kontra Indonesia sina Ange Kouame, Kai Sotto, Isaac Go, Will Navarro, Dwight Ramos, Justine Baltazar, Carl Tamayo, SJ Belangel at RJ Abarrientos.

Magiging batayan ng Gilas ang Asia Cup Qualifiers kung sino ang ilalaban sa kasunod na FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Serbia sa Hunyo 29-Hulyo 4.

 

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with