_pang-masa
^

PBA optimistiko pa rin

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - June 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Buo pa rin ang pag-asa ng PBA na maidaraos ang Season 46 kahit hindi pa puwedeng magbalik-ensayo sa NCR Plus na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) pero ‘with some restrictions’ na lang hanggang katapusan ng buwan.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial sa kabila ng inaasaahang saglit na delay ay umaasa ang liga na mabubuksan na ang 2021 Season sa Hulyo basta’t patuloy lang ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 para rin sa kapakanan ng buong bansa.

“Sana hindi na ulit tumaas ang ating cases at magtuluy-tuloy ang pagbaba nito, hindi lang para sa PBA kundi para sa buong bansa at sa ating mga kababayan. Tuloy lang ang laban,” ani Marcial.

Kaugnay nito ay nakipagpulong si Marcial sa ilang opisyal ng pamahalaan upang humingi ng gabay sa pangunguna nina MMDA chairman Benhur Abalos, Games and Amusements Board (GAB) chairman Baham Mitra, testing czar Sec. Vince Dizon, MMDA legal counsel Atty. Don Artes at MMDA Usec. Jojo Garcia.

Napag-usapan din sa meeting ang vaccination at scrimmages kapag puwede na.

Naunang plano ng PBA na mabuksan ang 2021 Season sa Ynares Sports Center sa Pasig o sa Antipolo sa katapusan ng Hunyo subalit mauurong ito dahil sa umiiral na GCQ with some restrictions sa NCR Plus.

Bukas na ang mga gyms sa 20% kapasidad (na puwedeng umangat sa 30% kung makakakuha ng Safety Seal) subalit non-contact sports pa lang ang pinapagayan.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with