_pang-masa
^

Fernandez naghatid ng poomsae gold sa JRU

Chris Co (Pang-masa) - June 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi rin nagpahuli ang Jose Rizal University matapos kumana ng gintong medalya sa ikalawang araw ng NCAA Season 96 taekwondo poomsae standard competition.

Sa kabila ng pandemya, hindi tumigil si Lady Bomber Emie Soriano Fernandez sa ensayo na nagresulta sa solidong performance nito para masikwat ang ginto sa women’s poomsae standard event.

Nakakuha si Fernandez ng 7.550 puntos, sapat para pataubin sina Diane Nicole Supangan ng College of St. Benilde na naglista ng 7.284 puntos para sa pilak at Lara Alejandrea Andres ng San Beda University na nagtala naman ng 6.867 puntos para sa tanso.

Pumang-apat si Keith Laura Baladya ng San Sebastian College-Recoletos (6.767), panglima si Stephanie Shane Ashley Arana ng Colegio de San Juan de Letran (6.734) at pang-anim si Chelsia Marie Banez ng Emilio Aguinaldo College (6.484).

Nasa ikapito si Francis Claire Apuya ng Arellano University (6.234) at ikawalo si Marinella de Peralta ng Lyceum of the Philippines (6.117).

Nakabase ang desis-yon ng mga hurado sa ipinadalang performance videos ng mga kalahok.

Nakatakda naman ang poomsae standard competition sa juniors’ division kahapon.

Nauna nang nakaginto si Alfritz Arevalo ng San Beda University sa men’s standard poomsae ca-tegory.

NCAA SEASON 96 TAEKWONDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with