_pang-masa
^

Saso umangat sa world No. 8, nakilala ang idol na si Mcllroy

Russell Cadayona (Pang-masa) - June 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa Linggo pa ang kanyang kaarawan ngunit maagang natanggap ni 2021 US Women’s Open champion Yuka Saso ang kanyang regalo.

Nakilala ni Saso ang idol niyang sikat na British multi-titled golfer na si Rory McIlroy na sinabayan pa ng pag-angat niya sa world ranking ng isang baytang.

Binisita ng 19-anyos na si Saso si McIlroy sa isang practice round bago ang pagsisimula ng 2021 US Men’s Open sa Sabado sa Torrey Pines Golf Course sa San Diego, California.

“I didn’t know how to say hi,” sabi ni Saso na naghihintay na lang ng kumpirmasyon ng paglalaro sa 2021 Tokyo Olympics,  sa four-time major winner. “But he was so nice. He was so kind. He was so open. When I asked him a question, he was so honest. I hope I can ask him more advice.”

Ang panalo ni Saso sa US Women’s Open ang nag-angat sa kanya sa world rankings sa No. 8.

Bukod kay Saso, inaasahan ring maglalaro sa Tokyo Olympics sina Bianca Pagdanganan (No. 42) at Juvic Pagunsan (No. 51).

Nauna nang pinuri ni McIlroy sa kanyang Instagram account ang Fil-Japanese golfer sa pagwawagi sa US Women’s Open. “Everyone’s going to be watching Yuka Saso swing videos on YouTube now. Congratulations!” sabi ni McIlroy kay Saso, inaasa-hang mapapasama sa 2021 Tokto Olympics.

Matapos angkinin ang korona ng US Women’s Open noong Hunyo 6 ay hiniling ni Saso na makilala ang 32-anyos na si McIlroy na pinggayahan niya ng kanyang golf swing sa edad na 13-anyos bilang top junior golfer ng Pilipinas.

YUKA SASO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with