_pang-masa
^
Clippers, Hawks nakatabla

Clippers, Hawks nakatabla

(Pang-masa) - June 16, 2021 - 12:00am

NEW YORK — Itinab-la ng Los Angeles Clippers at Atlanta Hawks sa 2-2 ang kani-kanilang semifinals series na kinatampukan ng pagbibida ng kanilang mga key players.

Sa Los Angeles, humataw sina Kawhi Leo-nard at Paul George ng tig-31 points para banderahan ang Clippers sa 118-104 panalo sa Utah Jazz sa Game Four ng kanilang Western Conference semis showdown.

Nagdagdag si Marcus Morris ng 24 points tampok ang limang three-pointers para sa Clippers na kinuha ang 62-38 abante sa slam dunk ni Leonard sa huling 1:24 minuto ng second quarter.

Lalo pang nabaon ang Jazz sa 85-105 sa 6:48 minuto ng fourth period na naibaba nila sa kalahati matapos maghulog ng 17-7 bomba sa huling 2:10 minuto.

Pinamunuan ni Donovan Mitchell ang Utah sa kanyang 37 points, habang may 19 at 18 markers sina Joe Ingles at Bojan Bogdanovic, ayon sa pagkakasunod.

Sa Atlanta, tumipa si star guard Trae Young ng 25 points at career-high na 18 assists sa 103-100 paglusot ng Hawks sa Philadelphia 76ers sa Game Four para itabla ang kanilang Eastern Conference semis duel.

Nag-ambag si Bogdan Bogdanovic ng 22 points para sa Atlanta at nagposte si John Collins ng 14 points at 12 rebounds.

Pinangunahan ni Tobias Harris ang Philadelphia sa kanyang 20 points at naglista si Joel Embiid ng 17 points at 21 rebounds.

Naimintis ni Seth Curry, tumapos ng17 markers, ang kanyang panabla sanang 3-pointer para sa 76ers sa pagtunog ng final buzzer. Naagaw ng Hawks ang 99-98 bentahe sa floater ni Young, 1:17 minuto sa fourth quarter.

 

 

CLIPPERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with