^

PM Sports

Phoenix players piniling mangupahan sa Batangas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dumiskarte ang ilang PBA teams upang makaiwas sa mahabang biyahe sa tuwing nagsasanay ang mga ito sa labas ng NCR plus bubble.

Isa na rito ang Phoenix Fuel Masters na piniling magsanay sa Batangas City.

Aabot sa tatlo hanggang apat na oras ang biyahe mula sa Maynila patungong Batangas.

Dahil dito, ilang players at coaches ang nagrenta ng bahay na malapit sa training venue upang makaiwas sa nakakapagod na biyahe na sasabayan pa ng twice-a-day na ensayo.

“The players rented houses for a week to save on travelling since two times ang practice nila a day,” ani Fuel Masters team manager Paolo Bugia.

Tiniyak naman ng Fuel Masters management na matinding health protocols pa rin ang ipinatutupad para masigurong ligtas ang lahat.

Limitado ang galaw ng lahat kung saan maliban sa training venue, tanging sa mga nirerentahang bahay lamang maaaring magpunta ang players, coaches at staff.

Magandang pagkaka-taon na rin ito para makabuo ng solidong chemistry ang mga players sa loob at labas ng court.

Bukod sa Batangas City, nagte-training din ang ibang koponan sa Laoag, Ilocos Norte; sa Clark, Pampanga; at sa Tagaytay City.

Target simulan ang PBA Season 46 Philippine Cup sa huing bahagi ng Hunyo o sa Hulyo ngunit nakadepende ito sa quarantine guidelines na ipatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Kung makakapagsi-mula agad, balak ng PBA na magdaos ng dalawang kumperensiya.

vuukle comment

PHOENIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with