^

PM Sports

Nagbabadyang Olympic gold

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa aking kolum noong June 4, naibahagi ko ang aking nakakatuwang panaginip na maganda ang ihahataw ni Yuka Saso sa US Women’s Open at ganoon din ni Alex Eala sa French Open juniors championships.

Mali!

Dahil hindi lang pala maganda, kundi fantastico at magnifico na nagtaas ng bandila ng bansa at nagpatayo sa balahibo ng namanghang buong nasyong Pilipino.

Sa gitna ng pandemya, sirit ang ipinapakita ng Filipino athletes. Nauna nang nagpamalas ng ga-ling sina world champion boxers Jerwin Ancajas, John Riel Casimero at Nonito Donaire.

Ganoon din naman ang ipinapakita ng ilang Pilipino bets sa homestretch ng kanilang build-up papasok ng Tokyo Olympics.

Nariyan si EJ Obiena na bumasag ng national record sa paghugot ng gintong medalya sa isang mabigat na pole vault competition sa Germany.

May podium finish din si Caloy Yulo sa All-Japan gymnastics championships.

Hindi ako magugulat kung sa mga susunod na araw eh mananaginip ako ng shining moments ng mga Filipino athletes sa Tokyo.

Ramdam ko ang padating na major breakthrough ng Team Phl sa quadrennial games. Ito’y maaaring multi-medal haul o first-time na pagtugtog ng ating national anthem sa Olympiyada.

 

vuukle comment

YUKA SASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with