_pang-masa
^

Eala 2-Grand Slam titles na

Chris Co (Pang-masa) - June 14, 2021 - 12:00am

Doubles champion sa French Open

MANILA, Philippines — Sa edad na 16, nakasungkit na ng dalawang Grand Slam titles si Alex Eala.

Nakipag-sanib-puwersa ang Pinay netter kay Russian partner Oksana Selekhmeteva para makopo ang girls’ doubles title ng prestihiyosong French Open na ginaganap sa Stade Roland Garros sa Paris, France.

Hindi nag-aksaya ng panahon sina Eala at Selekh-meteva nang mabilis nilang inilampaso sina Russian Maria Bondarenko at Hungarian Amarissa Kiara Toth sa 6-0, 7-5 demolisyon sa finals.

Ito ang nagsilbing regalo ni Eala sa mga kababayan para sa ika-123 Independence Day ng Pilipinas.

“Sa lahat ng mga Pinoy na nanood, maraming salamat sa suporta. We celebrated Independence Day today (noong Sabado) so I hope that I made my contribution to the country,” ani Eala.

Ito ang ikalawang Grand Slam title ni Eala matapos magreyna sa Australian Open juniors girls’ doubles noong nakaraang taon kasama si Indonesian partner Priska Madelyn Nugroho.

Ngunit hindi pa tapos si Eala.

Sa katunayan, nagsisimula pa lamang ito sa kanyang tennis career kaya’t asahan ang mas marami pang titulo na maibibigay nito sa bansa sa mga susunod pang taon.

EALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with