_pang-masa
^

George, Leonard naasahan ng Clippers

(Pang-masa) - June 14, 2021 - 12:00am

LOS ANGELES — Inasahan ni Clippers head coach Tyronn Lue na maglalaro nang maganda sina Kawhi Leonard at Paul George.

Hindi siya binigo ng dalawa.

Humataw si Leonard ng 34 points at may 31 markers si George para pamunuan ang Clippers sa 132-106 pagpapabagsak sa Utah Jazz sa Game Three ng kanilang Western Conference semifinals series.

Nag-ambag sina Reggie Jackson at Nicolas Batum ng tig-17 points.

Idinikit ng Los Angeles sa 1-2 ang kanilang best-of-seven series ng Utah. Nakatakda ang Game Four bukas sa Staples Center pa rin.

Kumamada si Leonard ng 24 points sa kabuuan ng second half kung saan hindi na pinalapit ng Clippers ang Jazz para makabangon mula sa 0-2 pagkakabaon sa serye.

Binanderahan ni Donovan Mitchell ang Utah sa kanyang 30 points bago ipinahinga sa bench sa fourth period bunga ng kanyang ankle injury.

Nagdagdag si Joe Ingles ng 19 points kasunod ang 14 markers ni Fil-Am Jordan Clarkson at kumolekta si Ruby Gobert ng 12 points at 10 rebounds para sa Jazz na nagsalpak ng 19-of-44 shooting sa three-point line.

Samantala, pipilitin ngayon ng Phoenix Suns na tuluyan nang walisin ang Denver Nuggets sa kanilang serye sa bitbit na 3-0 bentahe.

Ang Nuggets ang ika-143 NBA team na nabaon sa 0-3 sa isang best-of-seven playoff series at wala pang koponang nakakabangon para manalo ng apat na sunod.

CLIPPERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with