_pang-masa
^

Waiting na lang ang PBA para makalarga sa NCR

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - June 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maghihintay na lang ang PBA sa posibleng pagbaba ng quarantine status ngayong linggo para makabalik sa kanya-kanyang gym sa NCR.

Bagama’t pinayagan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang muling pagbubukas ng mga gyms sa 30% na kapasidad ay limitado pa lang sa non-contact sports ang puwede sa ngayon kumpara sa isinasagawang dikdikang training ng PBA teams sa labas ng NCR Plus pati na ang scrimmages.

Nananatiling nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) with restrictions ang NCR Plus hanggang Hunyo 15 kaya kung babalik na agad ang PBA dito ay magkakasya lang muna sila sa individual workouts.

“Hintayin na lang natin siguro ‘yung bagong qua-rantine status pagkatapos ng June 15 para mas madali,” pahayag ni Commissioner Willie Marcial.

Inaasahang sa Hunyo 15 ay bababa na sa simple o ordinaryong GCQ na lang ang NCR Plus, kung nasaan ang home gyms ng mga PBA teams, bunsod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 dito.

Nauna nang nakakakuha ng clearance ang PBA mula sa IATF noong nakaraang buwan para makapag-training sa mga GCQ areas o kaya sa lugar na nasa pinakamaluwag na Modified GCQ.

Habang hindi pa puwede sa NCR Plus ay lumarga na agad ang mga PBA teams sa Batangas, Pampanga at Ilocos Norte upang masimulan ang paghahanda para sa Season 46.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with