_pang-masa
^

Walang tigil si Obiena

Russell Cadayona (Pang-masa) - June 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos hablutin ang gold medal sa isang torneo sa Germany at magposte ng bagong Philippine outdoor record ay magbabalik si Olympic Games-bound pole vaulter Ernest John Obiena sa kanyang training camp sa Italy.

Pag-aaralan ni Obie-na kasama si legendary coach Vitaly Petrov ang mga nakaraan niyang performance para sa lalahukan pang tatlong outdoor competitions bago magtungo sa Tokyo, Japan para sa 2021 Olympics.

“Another gold medal and a new personal and national outdoor record of 5.85m,” wika ni Obiena matapos ilista ang nasabing lundag para kunin ang gold medal sa Jump and Fly competition sa Mossingen, Germany.

Inirehistro rin ng 6-foot-2 pole vaulter ang bagong national outdoor mark na 5.85m para sirain ang sari-ling 5.81m na kanyang itinala noong 2019 sa isang torneo sa Chiara, Italy  na nagbigay sa kaya ng Olympic berth.

“Got to grind some more before the big day comes,” wika ni Obiena sa mga lalahukan pa niyang outdoor tournaments bilang preparasyon sa 2021 Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Tinalo ni Obiena para sa gold medal si German bet Zernikel Oleg na nagtala ng 5.70m para makuntento sa silver kasunod sina Kass Philip at Human Tom Linus na tumapos na may magkatulad na 5.40m para sa bronze.

Nauna nang nagposte si Obiena ng bagong national mark sa indoor pole vault sa nilundag niyang 5.86m para sa gold medal sa nakaraang 2021 Orlen Cup sa Lodz, Poland.

Noong nakaraang linggo ay tumalon si Obie-na ng 5.70m para ibulsa ang gintong medalya sa Gothenburg Athletics Grand Prix sa Sweden at nagtala ng 5.80m para sa silver sa FBK Games sa Hengelo, Netherlands.

ERNEST JOHN OBIENA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with