_pang-masa
^
Ando kasama sa Olympics
Elreen Ando

Ando kasama sa Olympics

Russell Cadayona (Pang-masa) - June 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natupad na ang pa-ngarap ni national weightlifter Elreen Ando.

Sa pamamagitan ng continental ranking ay nakamit ng 22-anyos na si Ando ang tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan na idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Kinumpirma ng International Weightlifting Federation (IWF) ang pagkakaloob sa Cebuana lifter ng Olympic slot.

Siya ang ika-11 Pinoy Olympic qualifier matapos sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, skateboarder Margielyn Didal, gymnast Carlos Edriel Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena, taekwondo jin Kurt Barbosa, rower Cris Nievarez at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Nagposte si Ando ng 26,349,334 points para pumuwesto sa 12th place mula sa binuhat na dalawang silver at isang bronze medal sa women’s -64 kilogram sa nakaraang International Weightlifting Federation (IWF) Asian Championships sa Tashkent, Uzbekistan noong Abril.

Nauna nang sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella na si Ando ang inaasahang susunod sa yapak ni Diaz kasama ang 17-anyos na si Vanessa Sarno.

Posible pang umabot sa 14 ang mga Pinoy Olympic qualifiers.

Ito ay dahil sa hinihintay na kumpirmasyon ng Olympic berth para kina golfers Yuka Saso, Bianca Pagdananan at Juvic Pa-gunsan ngayong buwan.

Umangat ang 19-anyos na si Saso sa No. 9 sa International Golf Federation (IGF) Reallocation Reserve List (Women) matapos magwagi sa nakaraang US Women’s Open.

Hindi naman nagalaw si Pagdanganan sa No. 42, habang nasa No. 51 si Pagunsan, naghari sa Mizuno Open sa Japan noong Mayo 30, sa men’s division.

Hahataw ang tig-60 golfers sa men’s at wo-men’s class sa 2021 Tokyo Games.

ELREEN ANDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with