^

PM Sports

Training ng PBA teams sa NCR plus Puwede na

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng makabalik na sa NCR Plus ang mga PBA teams para sa pagpapatuloy ng kanilang paghahanda sa Season 46 kasunod ng bagong re­solusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa partial reopening ng mga gyms at courts.

Ayon sa pahayag ng IATF kahapon, pinapayagan na ang pagbubukas ng indoor non-contact sports venues sa 30 porsyentong kapasidad na magandang balita para sa pagbabalik-ensayo ng PBA kung sakali.

“Indoor non-contact sports venues with Safety Seal Certifications, such as fitness studios, gyms, skating rinks, and racket sports courts in the National Capital Region Plus areas, shall be allowed to ope­rate at 30% of their venue capacity,” wika ng IATF.

Noong nakaraang Marso pa nagsara ang mga gyms sa NCR Plus nang magbalik sa mahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified ECQ (MECQ) ang quarantine status.

Bumaba noong nakaraang buwan ang NCR Plus sa General Community Quarantine (GCQ) subalit sa ilalim ng dagdag na restrictions kaya’t ipinagbawal muna ang reopening ng recreational venues tulad ng sports courts at gyms.

Sa bagong development na ito ay hihingi ng paglilinaw at abiso ang PBA sa Games and Amusements Board (GAB) para sa de­talyadong guidelines, ayon kay Commissioner Willie Marcial, kung puwede na nga talaga sa NCR Plus ang practice ng mga koponan.

Bukod doon ay kakailanganin din ang go-signal ng mga local go­vernment units (LGUs) sa NCR Plus kung nasaan ang mga home gyms ng mga PBA teams.

Simula noong nakaraang buwan ay ligtas at matagumpay ang PBA trai­ning na susi sa hangarin nilang maituloy ang natenggang 2021 Season sa katapusan ng buwan o sa unang bahagi ng Hulyo.  

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with