_pang-masa
^

Gilas palaban pa rin kahit nawalan ng 3 key players

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - June 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Palaban pa rin ang Gilas Pilipinas kahit pa nalagasan ng tatlong manlalaro sa nalalapit na kampanya sa final window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga sa Hunyo 16-20.

Nadale ng iba’t ibang injuries sina Dave Ildefonso, Matt Nieto at Rey Suerte subalit inaasahan ng Gilas na mapupunan ito ng maraming manlalaro upang makumpleto ang misyon sa Qualifiers.

Ayon kay program director Tab Baldwin, masasandalan sina Jordan Heading at Jaydee Tungcab na mapunan ang puwesto nina Ildefonso at Suerte habang sina SJ Belangel at RJ Abarrientos naman ang hahalili kay Nieto.

Bahagi sina Hea­ding at Tungcab ng special Gilas draft ng 2021 PBA Rookie Draft noong Marso habang pambato sa UAAP sina Belangel at Abarrientos.

Mangunguna sa Gilas ang bagong natura­lized player na si Ange Kouame habang hindi pa sigurado kung aabot si Kai Sotto na nasa i­lalim pa ng mandatory qua­rantine protocol nang dumating sa bansa noong nakaraang linggo.

FIBA GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with