^

PM Sports

Pinoy na si Kouame

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Pinoy na si Kouame
Ange Kouame

MANILA, Philippines — Opisyal nang nabasbasan si Ivorian big man Ange Kouame bilang Filipino sa pamamagitan ng naturalization matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na nagbibigay sa kanya ng Filipino citizenship.

Inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kahapon ang mala-king development na magiging daan para sa Ateneo center na mairepresenta ang bansa bilang pinakabagong naturalized player ng Gilas Pilipinas.

“The SBP extends our appreciation to President Rodrigo Duterte for signing it into law and Executive Secretary Salvador Medialdea and Senator Bong Go for their assistance,” ani SBP president Al Panlilio.

Pinasalamatan din ng SBP ang mga may-akda ng naturalization bills ni Kouame sa Kongreso at Senado na lumusot na noong Marso na sina Senador Sonny Angara, Joel Villanueva at Ri-chard Gordon gayundin si Congressman Robbie Puno.

Sina Angara at Puno ay nagsisilbi ring Chairman at Vice Chairman ng SBP, ayon sa pagkakasunod.

Kasunod nito ay dadaan si Kouame sa ilang proseso na lamang tulad ng Panunumpa ng Katapatan sa Pilipinas at pagkuha ng Philippine passport upang maging ganap na Filipino citizen.

Umaasa ang SBP na matatapos lahat ito ni Koaume upang makapaglaro sakto sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga  at FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Serbia sa Hunyo lalo na sa 2023 FIBA World Cup na iho-host ng Pinas.

“It’s a great day for Philippine basketball and we’re thankful for the full support of our basketball community. Kami sa SBP ay naniniwalang ika’y lalaban Para sa Bayan. Maligayang pagbati, Kabayang Ange Kouame!” pahayag ni Panlilio.

Maging si Kouame ay walang pagsidlan ang kasiyahan. “Pre, Filipino ako,” anunsyo niya.

Sina Marcus Douthit at Andray Blatche ang mga naunang naturalized Filipino players ng Gilas Pilipinas.

 

 

vuukle comment

ANGE KOUAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with