_pang-masa
^
Jerrick Ahanmisi kasama ng magnolia sa training
Jerrick Ahanmisi

Jerrick Ahanmisi kasama ng magnolia sa training

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puwede nang ituon ng Magnolia ang atensyon nito sa pupusang preparasyon matapos makumpleto ang roster sa pagpirma ng pambatong rookie pick na si Jerrick Ahanmisi kahapon.

Dalawang taong kontrata ang napagkasunduan ng Hotshots at ni Ahanmisi ayon sa kumpirmasyon ni coach Chito Victolero bago magsimula ng ensayo ang koponan. “Yes, pumirma na siya two-year contract,” aniya sa text message.

Napili ng Magnolia bilang No. 10 pick ang dating Adamson shooter sa bigating 2021 PBA Rookie Draft noong Marso.

Bunsod ng kanyang kalibre bilang “best shooter” sa collegiate basketball kung saan nagrehistro siya ng 13.1 puntos, 3.6 rebounds at 1.4 assists sa kanyang huling UAAP season sa Falcons ay inaasahan ang malaking tulong ni Ahanmisi sa kargadong backcourt ng Hotshots kung saan makakasama niya sina Paul Lee, Mark Barroca, Jio Jalalon at Justin Melton.

Bukod kay Ahanmisi ay pinapirma rin ng Magnolia sa isang taong kontrata ang 26th overall pick na si Loren Brill, anak ni Northern Consolidated Cement player na si Louie, bilang rookie free agent matapos hindi papirmahin ng Northport.

Kaugnay naman sa ensayo ng Magnolia, inaayos pa nila ang mga puwedeng lugar na pagdausan ng training camp kahit maaari na sana itong lumarga ng ensayo sa Batangas.

Naghihintay pa ng go-signal ang Hotshots, ayon kay Victolero, kung puwede nang makabalik sa home venue nila sa Ronac Gym sa San Juan at sa iba pang lugar dito sa Metro Manila matapos bumaba sa mas maluwag na General Community Quarantine (GCQ) ang NCR Plus.

Sa 12 PBA teams, una nang sumalang ang Meralco sa ensayo sa Laoag, Ilocos Norte habang ang iba ay kinukumpleto pa ang requirements at naghihintay sa sagot ng mga Local Government Units (LGUs) sa kanilang requests na makapag-training.

Mananatili namang bukas sa mga koponan ang options sa Batangas kung saan puwedeng pagsanayan ang tatlong gyms na Batangas City Coliseum, Batangas State University Gym at Lyceum-Batangas.

JERRICK AHANMISI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with