_pang-masa
^

Gilas lumabas muna ng Calambubble

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bubuwelo muna ang Gilas Pilipinas upang makakuha ng bagong lakas matapos pansamantalang tumigil sa ensayo para sa nalalapit na huling window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga sa Hunyo 16-20.

Nilisan kahapon ng Nationals ang training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna, ayon kay Ryan Gregorio, special assistant ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio.

Hindi magtatagal ang pag-alis ng Gilas sa training camp dahil babalik agad sila sa Linggo para sa huling bahagi ng kanilang preparasyon.

Ayon sa SBP, paraan ito upang mabigyan ng pagkakataon ang Nationals na makapag-recharge bago sumalang sa pukpukang ensayo dahil didiretso agad patungong Belgrade, Serbia ang Gilas para naman sa FIBA Olympic Qualifying Tournament simula sa Hunyo 25 para sa tsansang makapasok sa Tokyo Olympics sa Hulyo.

Noong nakaraang buwan pa nagsasanay sa bubble ang Gilas sa ilalim nina program director Tab Baldwin at coach Jong Uichico pero noong Enero pa sila labas-pasok sa bubble bago nahinto dahil sa pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Marso.

Pagpasok uli sa Calamba bubble, wala nang uwian ang Gilas dahil pupunta sila ng mas maaga sa Clark bubble para plantsahin ang paghahanda sa bigating laban kontra sa South Korea at Indonesia ng Group A.

Inaasahan din ng SBP at ng Gilas na pagpasok nila sa Clark ay ayos na ang papeles ni Ivorian center Ange Kouame bilang bagong naturalized player.

 

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with