_pang-masa
^

PBA teams hinihintay ang go signal ng LGUs

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakasalalay ngayon sa mga Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila kung mapapayagan ang pagbabalik sa training ng mga PBA teams sa home gyms nila kasunod ng pagbaba ng status nito mula sa Modified Enhanced Community Qua­rantine (MECQ) patungo sa General Community Quarantine (GCQ).

Nagsimula na ang GCQ (with heightened restrictions) sa NCR Plus (MM, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna) kahapon at tatagal hanggang Mayo 31 na sen­yales upang makapagdaos muli ng training camps ang mga PBA teams dito matapos ang lagpas isang buwang pagkakatengga.

Bagama’t lumutang ang posibilidad na baka hindi pa puwede ang PBA training dito dahil sa guidelines na sarado pa rin ang recreational venues tulad ng indoor sports courts at gyms, nalinaw ngayon na saklaw na ng mas nauna pang go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabalik ng PBA practices.

Ayon sa IATF approval sa PBA request noong nakaraang linggo, puwede nang sumalang ulit sa ensayo kabilang na ang scrimmage sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ o pinakamaluwag na MGCQ depende sa guidelines at protocols na ilalatag ng Games and Amusements Board (GAB) bilang regulatory body ng pro sports.

Kaugnay nito ay may kanya-kanyang requests na ang mga PBA teams sa kanilang mga home gyms sa palibot ng Metro Manila habang bukas pa rin ang posibilidad na lumarga sa Batangas at Ilocos Norte bilang mga naunang alternative venues nang nasa mahigpit pang MECQ ang NCR Plus.

Ilan sa mga mga koponang plano ang Batangas training camp ay ang Blackwater, Rain or Shine, Magnolia at Phoenix habang sa Ilocos Norte ang TNT at Meralco.

Inaasahan ngayong darating na linggo malalaman ng mga PBA teams ang sagot ng kanilang mga LGUs upang makabalik sa mga dating training venues gayundin ang opis­yal na go signal ng GAB sa pamamagitan ng Joint Administrative Order na naglalaman ng guidelines at protocols.

GCQ MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with