_pang-masa
^

Pasaol tiniyak na kundisyon kahit ‘di nakasama sa unang ensayo ng Gilas 3x3

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Alvin Pa­saol na handa siya at nasa tamang kundisyon para sa huling bahagi ng preparasyon ng Gilas Pilipinas 3x3 matapos hindi makasama sa kanilang unang ensayo noong nakaraang linggo.

Nakasama na si Pa­saol kahapon sa muling pagpasok ng Gilas 3x3 sa training bubble sa I­nspire Sports Academy sa Calamba, Laguna at sabik nang makahabol sa pinaigting na paghahanda ng Nationals.

“Confident ako na mabibigay ko ‘yung todo kong lakas sa remai­ning practices namin sa bubble at sa OQT,” ani Pasaol matapos ang pag­liban bunsod ng noon ay i­naayos pang health and safety protocols.

Pansamantalang lumabas ang Gilas 3x3 sa bubble upang plantsahin ang mga travel requirements sa paglipad sa Austria para sa FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament sa Mayo 26-30.

Ngayon na buong puwersa na sila, tiwala rin ang Meralco Bolts rookie sa magilas na kampanyang ipapamalas nila kahit pa mapapalaban kontra sa bigating Pool C ng 20-team qualifiers kontra sa Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic.

Kasama ni Pasaol sa national team sina Joshua Munzon ng Terrafirma, CJ Perez at Mo Tautuaa ng San Miguel gayundin ang mga reserba na sina Santi Santillan ng Rain or Shine at free agent Karl Dehesa.

GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with