_pang-masa
^

Donaire aagawin ang titulo kay Oubaali

Chris Co (Pang-masa) - May 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa si four-division world champion Nonito Donaire Jr. na agawin ang World Boxing Council (WBC) bantamweight belt ni Nordine Oubaali sa kanilang bakbakan sa Mayo 29 (Mayo 30 sa Maynila) sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

Gigil nang magbalik-aksyon si Donaire makailang ulit na maudlot ang laban nito dahil sa pandemya.

“Let me just be clear: I am snatching that WBC belt come May 2021,” ani Donaire.

Maghaharap sana sina Donaire at Oubaali noong Disyembre 19 sa Mohegan Sun Arena subalit tinamaan ng COVID-19 si Oubaali.

Bilang kapalit ni Oubaali, makakalaban sana ni Donaire si dating IBF bantamweight champion Emmanuel Rodriguez.

Ngunit sa pagkakataong ito, lumabas na positibo si Donaire sa COVID-19 dahilan para humanap ng bagong kalaban si Rodriguez.

Naglabas ng negative results si Donaire sa mga confirmatory tests subalit hindi ito pinansin ng mga organizers ng laban.

Ipinalit na kalaban ni Rodriguez si Reymart Gaballo na nagtala ng kontrobersiyal na split decision win para sa bakanteng interim WBC bantamweight belt.

Kinalimutan na ni Donaire ang lahat ng ito kaya’t nakasentro na ang a­tensiyon ng Pinoy champion sa kung paano mapapabagsak ang French boxer.

NONITO DONAIRE JR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with