_pang-masa
^

Gilas 3x3 babalik na sa Calambubble

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang saglit na paglabas sa training bubble, balik ensayo na agad ang Gilas 3x3 team  ngayon sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para sa huling bahagi ng preparasyon para sa nalalapit na FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria.

Sa pagkakataong ito, buo na ang puwersa ng Gilas dahil kasama na si Alvin Pasaol ng Meralco Bolts matapos hindi makaabot sa unang training noong nakaraang linggo bunsod ng prinoproseso pang health and safety protocols.

Sasamahan ni Pasa-ol sina Joshua Munzon ng Terrafirma, CJ Perez at Mo Tautuaa ng San Miguel gayundin ng mga reserves na sina Santi Santillan ng Rain or Shine at free agent Karl Dehesa na sumalang na sa inisyal na training camp noong nakaraang linggo.

Pansamantalang lumabas ng training bubble ang Gilas 3x3 upang ayu-sin ang mga kailangang travel requirements nito sa pag-alis ng bansa para sa Olympic Qualifiers sa Austria sa Mayo 26-30.

Upang mapaigting naman ang paghahanda kabilang na ang scrimmage bago lumipad pa-Europa, nagbitbit din ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ng ilang national team practice players sa panguguna ni UP big man Malick Diouf.

Nasa bubble rin sina Tonino Gonzaga at Agosto Flor na nakasama nina Perez at Tautuaa sa pagsasanay para sa 30th Southeast Asian Games na ginanap dito noong 2019 at pinagwagian ng Gilas.

“We are looking to si-mulate the opposition that the Gilas 3x3 National Team will face in the OQT,” ani Gilas 3x3 head coach at SBP 3x3 program director Ronnie Magsanoc. “We also want to give our national players the chance to scrimmage with different combinations.”

Mapapalaban ang Gilas sa 20 pinakamagaga-ling na 3x3 teams sa buong mundo kung saan kasama sila sa Group C kontra sa Qatar, Dominican Republic, Slovenia at France.

Tanging tatlong koponan lamang mula sa 20-team field ang papasok sa Tokyo Olympics kung saan ipakikilala ang 3x3 basketball bilang official medal event sa unang pagkakataon.

Huling nakapasok sa Olympics basketball  ang Pilipinas noong 1978 Summer Games pa na ginanap sa Munich, Germany.

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with