_pang-masa
^

SBP magdadagdag sa national pool

Chris Co (Pang-masa) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na isama sa Gilas Pilipinas pool sina Rhenz Abando ng Colegio de San Juan de Letran at Mark Nonoy ng De La Salle University.

Ayon kay SBP prog-ram director Tab Baldwin, magdaragdag ang asosasyon ng mga players upang magkaroon ng mas malalim na lineup para sa mga future international competitions.

Maliban kina Abando at Nonoy, ibabalik din ni Baldwin si University of the Philippines standout Juan Gomez de Liano.

“We are looking at players like Mark No-noy and Rhenz Abando as well. Expanding and bringing in more talent. As long as players are available, when we have to expand the pool, that’s what we are going to do,” ani Baldwin sa Zoom In.

Subalit nilinaw ni Baldwin na para ito sa mga susunod na kumpetis-yon ng Gilas Pilipinas at hindi para sa mga nalalapit na FIBA Asia Cup Qualifiers at FIBA Olympic Qualifying Tournament na parehong lalarga sa Hunyo.

Nagrehistro Abando ng averages na 11.71 points, 5.29 rebounds at 1.29 blocks kada-laro habang mayroong 11.3 points, 4.0 rebounds at 2.9 assists si Nonoy para tanghaling Rookie of the Year. Pinatunayan ni Gomez de Liano na karapat-dapat ito sa natioonal pool nang umiskor ng average na 12.0 points, 3.0 rebounds at 3.0 assists sa tatlong laro nito sa mga nakaraang FIBA Asia Cup Qualifiers.

 

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with