_pang-masa
^
Hawks, Knicks playoffs na rin
Sina Trae Young at Russell Westbrook.
File

Hawks, Knicks playoffs na rin

(Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

NEW YORK — Napasakamay ng Atlanta Hawks at New York Knicks ang inaasam na playoff berth habang tuluyan nang nasibak ang New Orleans Pelicans.

Sa Atlanta, nagsalpak si Trae Young ng 33 points at ipinasok ni John Collins ang isang go-ahead three-pointer sa huling 24.4 segundo para tulungan ang Hawks sa 120-116 pagdagit sa Washington Wizards.

Dalawang gabi matapos sirain ang record ni Oscar Robertson sa kanyang pang-182 career triple-double ay tumapos si Russell Westbrook na may 34 points, 15 assists at 5 rebounds para sa Washington (32-38).

Inangkin ng Atlanta (39-31) ang una nilang playoff berth sa Eastern Conference matapos noong 2017.

Kaagaw ng Wizards sa slot sa play-in tournament ang Chicago Bulls (29-40).

Sa Cleveland, umiskor si Kevin Love ng season-high 30 points at may 28 markers si Collin Sexton sa 102-94 panalo ng sibak nang Cavaliers (22-48) sa Boston Celtics (35-35).

Ang kabiguan ng Celtics, bumagsak sa play-in tournament, ang nagbigay sa New York Knicks (38-31) ng playoff spot sa East bilang No. 6 team.

Ito ang unang pagkakataon na umabante ang Knicks sa playoffs matapos noong 2013.

Sa Salt Lake City, naglista si Damian Lillard ng 30 points sa 105-98 paggupo ng Portland Trail Blazers (41-29) sa Utah Jazz (50-20) para palakasin ang tsansa sa playoff berth.

Sa Los Angeles, tumapos si Talen Horton-Tucker na may 23 points para pamunuan ang nagdedepensang Lakers (40-30) sa 124-122 paglusot sa talsik nang Houston Rockets (16-54).

 

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with