_pang-masa
^

Tsukii pinaghahandaang mabuti ang karate Olympic qualifying

Russell Cadayona (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang preparasyon ni Fil-Japanese karateka Junna Tsukii sa layuning makakuha ng tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Kasalukuyang nag-eensayo ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist na si Tsukii sa Serbia sa ilalim ng isang karate world champion bilang paghahanda sa World Karate Championship sa Paris, France na pinakahuling Olympic qualifying tournament sa Hunyo 11-13 kung saan umaasa ang Pinoy karateka na makakakolekta ng Olympic spot.

“I need to get a medal there. If I can get medal, I’m sure I can go to Olympics,” sabi ng 29-anyos na national karateka na ipinanganak sa Pasay City.

Ang top three karatekas sa bawat weight ca-tegory ang magku-qualify sa 2021 Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Umaasa si Tsukii na makakasikwat siya ng Olympic berth para makasama sa Tokyo sina rower Cris Nievarez, weightlifter Hidilyn Diaz, pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Kasalukuyang nasa world No. 8 ng female kumite -50 kilogram division si Tsukii.

OLYMPIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with