_pang-masa
^

NBA play-in

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

Papasok na sa final week ang NBA regular season at mukhang hindi na maaawat ang Utah Jazz sa pagsukbit ng overall playoff top seeding at No. 1 spot sa Western Conference.

Komportable rin ang kalamangan ng Philadelphia Sixers sa labanan para sa Eastern Conference No. 1 post.

Pero may bantang mabigat na matchup para sa dalawang koponan sa first round pa lamang ng postseason.

Nangangamoy Utah versus Golden State.

Kandidato naman ang Boston Celtics, Charlotte Hornets, Indiana Pacers at Washington Wizards na maging kalaban ng Philadelphia.

“Play-in tournament” ang magdedetermina ng last two spots sa seedings ng dalawang komperensya.

Unang ginamit sa NBA Orlando, Florida bubble, ang play-in ay kabibilangan ng No. 7 to No. 10 finishers pagkatapos ng regular season.

Isang matchup ang No. 7 at No. 8 kung saan paglalabanan nila ang se-venth seeding sa playoffs.

Isa pa ang No. 9 versus No. 10 kung saan ang mananalo ay uusad kontra sa loser sa labanan ng No. 7 at No. 8. And pangatlong play-in game ang magdedetermina ng eighth seed sa postseason.

Ang mga matitibay na NLEX bikers na sina Odie Chua, Dennis Alemania, Kandong Pabaya at Ernie Malit eh cheering for Jordan Clarkson at Utah Jazz.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with