_pang-masa
^
Gilas pool mabubuo na sa pagdating ni Ramos
Dwight Ramos

Gilas pool mabubuo na sa pagdating ni Ramos

Chris Co (Pang-masa) - May 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makukumpleto na ang Gilas Pilipinas sa oras na pumasok na si Filipino-American Dwight Ramos sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Dumating na sa bansa si Ramos matapos matengga sa Amerika dahil sa travel restrictions.

Tinatapos na lamang niya ang quarantine requirement na ipinatutupad ng Pilipinas para sa lahat ng galing sa ibang sa bansa.

Bago pumasok sa Calambubble, sasailalim ulit si Ramos sa swab test para masiguro na ligtas ito sa coronavirus disease (COVID-19).

“I’m just getting this quarantine. Just got back from the States. Just wait for a week, get my swab, and hopefully get to Inspire,” ani Ramos sa programang Hoops Life.

Nauna nang pumasok sa Calambubble sina Dave Ildefonso, Isaac Go, Javi Gomez de Liaño, Justine Baltazar, Kemark Carino, Nieto twins (Mat at Mike), Rey Suerte, William Navarro, Jaydee Tungcab, Carl Tamayo, Jason Credo, Jordan Heading, Lebron Lopez, RJ Abarrientos, Geo Chiu, SJ Belangel at Tzaddy Rangel.

Pinaghahandaan ng Gilas ang FIBA Asia Cup Qua-lifiers sa Hunyo 16-20 sa Clark, Pampanga at ang FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4 sa Belgrade, Serbia.

Isa si Ramos sa mga tunay na nagpasiklab sa nakalipas na window ng ACQ qualifiers kung saan nagtala ito ng averages na 12.7 points, 5.7 rebounds, 2.3 assists at 1.7 steals.

Nakitaan ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) program director Tab Baldwin si Ramos ng leadership attitude kaya’t hinahasa na ito para ma-ging pinuno ng koponan.

“Coach Tab has been challenging me to become more vocal to be a better leader. That’s something I’m trying to work on. You can tell, I’m not the loudest person but I’m trying,” ani Ramos.

DWIGHT RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with