_pang-masa
^
Miami nakasiguro ng slot sa playoffs

Miami nakasiguro ng slot sa playoffs

(Pang-masa) - May 13, 2021 - 12:00am

BOSTON — Nagsalansan si Tyler Herro ng 24 points at kinopo ng Miami Heat ang isang playoff spot sa pamamagitan ng 129-121 panalo sa Celtics.

Tumabla ang Heat (38-31) sa Atlanta Hawks (38-31) sa fifth place sa Eastern Conference at tuluyang inilaglag ang Celtics (35-34) sa play-in tournament.

Ito ang ika-10 panalo ng Miami ni Fil-American head coach Erik Spoelstra sa huli nilang 13 asignatura at may natitira pang tatlong laro sa regular season.

Nagdagdag sina Bam Adebayo at Duncan Ro-binson ng tig-22 points para sa Heat at may 18 at 17 markers sina Kendrick Nunn at Goran Dragic, ayon sa pagkakasunod, sa pagwalis sa kanilang two-game series laban sa Celtics.

Binanderahan ni Kemba Walker ang Boston sa kanilang regular-season home finale sa kanyang 36 points kasunod ang 33 markers ni Jayson Tatum.

Sa Los Angeles, itinakas ng nagdedepensang Lakers (39-30) ang 101-99 overtime win sa New York Knicks (38-31) sa hangaring makaiwas sa play-in tournament.

Sa Indianapolis, itinala ni Domantas Sabonis ang triple-double na 16 points, 15 assists at 13 rebounds sa 103-94 panalo ng Indiana Pacers (33-36) sa Philadelphia 76ers (47-22) papasok sa play-in round.

Sa Chicago, humataw si Kevin Durant ng 21 points para pamunuan ang 115-107 pagdaig ng Brooklyn Nets (45-24) sa Chicago Bulls (29-40) para manatili sa itaas ng Milwaukee Bucks (44-25) sa kanilang karera para sa No. 2 spot sa East.

MIAMI HEAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with