_pang-masa
^

Lalarga na uli ang karera

Nilda Moreno (Pang-masa) - May 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinutakte ng komento ng mga karerista ang Facebook page ng horse racing matapos malaman na tatakbo na ng karera ngayon sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Walong karera ang ikinasa ng Metro Manila Turf Club, Inc. (MMTCI) at kasama sa mga aabangan ay ang mga carry over sa Pick 5 at Winner Take All, (WTA).

Tiyak na hihintayin din ng mga karerista ang Race 4 kung saan tatakbo ang tigasing Troubadour sa ilalargang Condition Merge race.

Inaasahang mapapalaban ng todo ang Troubadour dahil mahuhusay din ang anim na kalahok.

Sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Patty Dilema ang Troubadour na inaasahang magiging top favorite sa laban kung saan makakasagupa nito ang Spandau Ballet, Gomper Girl, Box Office, Eugine Onegin, Sooner Time at Sailing Along.

Samantala, may carry over na P191, 349. 36 sa Pick 5, may  P251, 510.13 sa WTA na ilalarga sa Race 1 at 2 ayon sa pagkakasunod.

METRO TURF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with