_pang-masa
^

MPBL sa Subic o Clark

Russell Cadayona (Pang-masa) - May 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Alinman sa Subic sa Zambalez o Clark sa Pampanga ang gustong maging venue ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) para sa kanilang bubble tournament.

Sinabi kahapon ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition na alam nilang ligtas ang nasabing dalawang venue sa coronavirus disease (COVID-19).

“We’re still eyeing the Subic bubble dahil alam natin na medyo ‘yung place is secured and safe at nakita na rin natin, nakapaglaro na tayo ng championship,” ani Duremdes. “Sa tingin ko ang puwede lang talagang venue ngayon is either Clark or Subic.”

Natigil ang Division Finals sa pagitan ng Davao Occidental Tigers at Basilan Steel sa South at ng San Juan Knights at Makati Super Crunch sa North sa MPBL Lakan Cup noong Marso 11, 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Kalaunan ay pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na maituloy ang torneo noong Marso 16 sa Subic bubble kung saan tinalo ng Tigers ang Knights, 3-1 sa kanilang best-of-five national championship series.

Inamin ni Duremdes na nahihirapan ang MPBL na makakuha ng ‘go signal’ sa IATF dahil sa quarantine restrictions sa NCR Plus bubble na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

“We know for the fact that we are facing so much challenges regarding the application for the resumption of MPBL sa IATF. Iyong mga challenges na inilalabas na mga guidelines ng IATF regarding sa status ng mga LGUs,” sabi ni Duremdes.

 

MPBL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with