^

PM Sports

Malaking surpresa kay Nievarez

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kanyang murang edad ay ang paglalaro lamang sa Palarong Pambansa ang pinapangarap ni Cris Nievarez at wala sa isip niya noon ang Olympic Games.

Kamakalawa ay naging malaking surpresa kay Nievares ang pagkakaloob ng World Rowing Federation (WRF) sa kanya ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

“Actually, kahapon (Lunes) po hindi pa rin ako makapaniwala sa resulta na pasok ako papunta sa Olympics,” sabi ng 21-anyos na national rower sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition. “Sobrang saya ng team, lalung-lalo na ako pati family ko.”

Si Nievarez ang pang-walong Pinoy athlete na sasabak sa 2021 Tokyo Olympics kasama sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting, pole vaulter Ernest John Obiena, Carlos Edriel Yulo ng gymnastics at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Aminado si Nievarez na mahihirapan siyang maka-tsamba ng medalya sa sasalihang men’s single sculls event ng 2021 Tokyo Games na nakatakda sa Hulyo 23-Agosto 8. “Depende iyon sa klase ng tubig, depende sa dating ng hangin,” ani Nievarez. “Ang best time talaga ng karamihan is seven minutes flat tapos ang best time ko po 7:10.00 sa Thailand. Iyon po ang kailangan pang i-improve nang i-improve para dumikit sa mga medalists.”

Ang preparasyon ng national rower para sa 2021 Tokyo Olympics ay gagabayan ni coach Shukrat Ganiev ng Uzbekistan na paparating na dito sa Pinas.

“Lahat ng puwedeng maibigay na pagkakataon na additional training kay Cris ay ibibigay po natin,” pagtiyak ni Philippine Rowing Association (PRA) president Patrick Gregorio sa 2019 Southeast Asian Games gold medalist. 

vuukle comment

CRIS NIEVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with