San-en NeoPhoenix tiwala kay Thirdy Ravena
MANILA, Philippines — Tiwala ang San-en NeoPhoenix sa mas magilas na larong ipapamalas ni Thirdy Ravena at mas malakas na kampanya nila kasama ang Filipino import sa Japan B. League 2021-2022 Season.
Ayon sa NeoPhoenix management, umaasa silang mapapatibay pa lalo ang sistemang sisimulan ns naka-sentro kay Ravena para sa misyong magwagi ng kampeonato sa hinaharap matapos magkasundo sa multiple-year contract extension.
Ito ay sa kabila ng maalat na unang taon ng kanilang pagsasama na kinatampukan ng maraming injuries ng dating Ateneo at Gilas Pilipinas stalwart na nagresulta sa 19-47 win-loss slate ng San-En, sapat sa ika-19 puwesto ng 20-team B. League.
“He has adapted well to life in Japan and as a professional player. We have high expectations for his further deve-lopment. With Ravena at the center of the team, we will build a new culture and strive to become champions,” ani San-en president Kenjiro Hongo.
“Together with Thirdy, San-En Neophoenix will aim to become a champion and inspire not only the people of their home country, but also the Filipino people living in the San-En region,” dagdag naman ni general manager Hideki Higashi.
Kabuuang 18 na laro lang ang nasalangan ni Ravena sa kanyang Japan debut matapos tamaan ng COVID-19 noong Nobyembre, madale ng hand injury noong Enero na dahilan ng tatlong buwan niyang pagkawala at knee injury noong nakaraang buwan.
- Latest