^

PM Sports

Lakers umiiwas sa play-in

Pang-masa

LOS ANGELES — Kumolekta si  Anthony Davis ng 42 points at 12 rebounds para banderahan ang nagdedepensang Lakers sa 123-110 pagpapalubog sa Phoenix Suns.

Nagdagdag sina Kentavious Caldwell-Pope at Alex Caruso ng tig-17 points para sa ikatlong panalo ng Lakers (38-30) na nasa No. 7 spot na ngayon sa Western Conference sa ibabaw ng mahigpit nilang kalabang Portland Trail Blazers (39-29) sa awtomatikong playoff berth at lumaki ang tsansang maka-iwas sa play-in tournament. Sa play-in tournament, maglalaban ang No. 7 at No. 8 teams at ang mananalo ang magiging 7th seed sa playoffs habang ang matatalo ay sasagupa sa mananaig sa pagitan ng No. 9 at No. 10 squads para pag-agawan ang pinakahuli at pag-walong plyoff slot.

Pinamunuan ni Cameron Payne ang Suns (48-20) sa kanyang 24 points.

Sa isa pang laro sa L.A., humataw si Derrick Rose ng 25 points para ilapit ang New York Knicks (38-30) sa pagkopo sa playoff berth sa East makaraang agawin ang 106-100 tagumpay sa Clippers (45-23).

Sa Cleveland, pinahigpit ng Dallas Mavericks (40-28) ang paghawak sa fifth place sa West matapos kunin ang 124-97 panalo sa Cavaliers (21-47).

Sa Boston, pinatibay ng Miami Heat (37-31) ang pagkapit sa sixth place sa East nang agawin ang 130-124 panalo sa Celtics (35-33).

Sa Charlotte, binuhay ng New Orleans Pelicans (31-37) ang kanilang tsansang makapasok sa play-in tournament sa West nang ilista ang 112-110 paglusot sa Hornets (33-35).

Sa Detroit, nagposte si Nikola Vucevic ng 29 points at 16 rebounds sa 108-94 pagsuwag ng Chicago Bulls (29-39) sa Pistons (20-49) para sa pag-asang makasama sa play-in tournament sa East.

vuukle comment

LAKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with