^

PM Sports

Talisay-Mandaue magpapambuno

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Buhay pa ang MJAS Zenith Talisay Aquastars matapos makabawi sa karibal na KCS Mandaue Computer Specialists, 63-56 sa krusyal na Game 2 ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Visayas leg best-of-three finals kamakalawa ng gabi sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Matamis na higanti ito ng No. 1 na Aquastars sa segundang Computer Specialists, na dinungisan ang kanilang malinis na kartada na nagsimula pa noong eliminasyon, matapos ang pambihirang 67-66 upset winng Mandaue noong Biyernes sa Game 1 para makapuwersa ng winner-take-all Game 3.

Kasalukuyang nagbabanggaan ang Talisay at Mandaue habang isinusulat ang balitang ito para sa kampeonato ng six-team Visayas leg.

Tumikada ng 15 at 14 puntos sina Darrell Menina at Paolo Hubalde, ayon sa pagkakasunod, upang giyahan ang Aquastars na winalis ang elims sakay ang 10-0 baraha bago mapatid ang win streak sa Game 1.

Nag-ambag din si Season MVP Jaymar Gimpayan ng halos double-double na walong puntos at walong rebounds sahog pa ang tatlong steals.

Nanguna naman si Ping Exciminiano para sa Mandaue na may 14 puntos, walong rebounds at tatlong steals bago madale ng leg injury sa fourth quarter.

Nagdagdag din ng 11 markers si All-Visayas leg member Gryann Mendoza subalit nagkasya lang sa apat na puntos ngayon si Shaq Imperial na siyang nagbuslo ng game-winner para sa Mandaue noong Game 1.

vuukle comment

MANDAUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with