_pang-masa
^
Portland naungusan ang LA Lakers

Portland naungusan ang LA Lakers

(Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

PORTLAND, Ore. — Nagpakawala si Damian Lillard ng 38 points para banderahan ang Trail Blazers sa 106-101 pagpapayukod sa nagdedepensang Los Angeles Lakers.

Ang nasabing panalo ang nagbigay sa Trail Blazers (38-29) ng tiebreaker laban sa Lakers (37-30) sa karera para sa tiket sa Western Conference playoffs.

Dahil dito ay umakyat ang Portland sa No. 6 kasunod ang No. 7 na Los Angeles sa kani-kanilang hangaring makasikwat ng outright playoff spot para makaiwas sa play-in tournament.

Binanderahan ni Anthony Davis ang Lakers sa kanyang 36 points at 12 rebounds habang hindi naglaro si LeBron James sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Sa Milwaukee, umiskor si Brook Lopez ng 24 points at may 21 markers si Khris Middleton para pamunuan ang Bucks (43-24) sa 141-133 pa-nalo sa Houston Rockets (16-51).

Sa Salt Lake City, nagpasabog si Bojan Bogdanovic ng career-high 48 points sa 127-120 pagdaig ng Utah Jazz (49-18) sa Denver Nuggets (44-23).

Sa Philadelphia, humakot si Joel Embid ng 37 points at 13 rebounds sa 109-107 paglusot ng 76ers (46-21) sa New Orleans Pelicans (30-37).

Sa Phoenix, kumamada si Deandre Ayton ng 26 points sa 128-105 pagsunog ng Suns (48-19) sa New York Knicks (37-30) sa layuning maagaw ang top record sa NBA.

Sa Dallas, nagtala si Luka Doncic ng 24 points sa 110-109 tagumpay ng Mavericks (39-28) sa Cleveland Cavaliers (21-46) para maiwasang maglaro sa Western Conference play-in tournament.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with