_pang-masa
^

Jaymar Gimpayan MVP ng VisMin Cup-Visayas

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinanghal na kauna-unahang Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Visayas Leg Most Valuable Player si Jaymar Gimpayan ng MJAS Zenith Talisay Aquastars sa simpleng seremonya bago ang kanilang finals series kontra sa KCS Mandaue Computer Specialists kamakalawa.

Nakalikom ang 25-gulang na ace guard ng 416 points upang manguna sa karera ng MVP matapos mag-No. 1 sa statistical points, media votes at VisMin office at sumegunda naman siya sa player votes.

Nag-rehistro ang tubong Oleras, Northern Samar ng 12.5 puntos, 8.9 rebounds at 1.1 assists para sa Talisay na winalis ang eliminasyon, 10-0 upang makadiretso na agad sa best-of-three championship kontra sa Mandaue.

Tinalo ni Gimpayan sa karera sina Joseph Marquez (358) at Pari Llagas (301) ng Tubigon Bohol para sa makasaysayang Visayas leg MVP plum.

Nakasama ng 6-foot-2 guard sa All-Visayas team ang mga teammates na sina Paolo Hubalde at Jhaymo Eguilos gayundin sina Gryann Mendoza ng Mandaue at Marquez ng Bohol.

Samantala, hindi naman agad nagtagal ang selebrasyon ni Gimpayan nang madiskaril ng masaklap na 66-67 kabiguan ng Aquastars sa Computer Specialists sa Game 1 ng finals.

VISMIN SUPER CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with