_pang-masa
^

SBP natuwa sa pagpayag ng IATF

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Higit sa layuning maidaos nang ligtas ang huli’t ikatlong window ng FIBA Asia Cup Qualifiers, ikinatutuwa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbabalik aksyon ng international basketball para sa mga Filipino basketball fans sa kabila pa rin ng pandemya.

“The SBP knows that Filipino basketball fans have waited a long time for this, and we’re just as excited as they are to have international basketball in our country again,” ani SBP president Al Panlilio.

Ilang buwang naantala ang naturang qualifiers na orihinal sanang gaganapin dito noong Pebrero subalit ngayon ay tuluy na tuloy na sa Hunyo 16-20 matapos basbasan ng IATF ang FIBA bubble sa Clark, Pampanga kasunod ng go-signal sa PBA at PFL practices.

Ayon kay Panlilio, naisakatuparan ito dahil sa patuloy na pakikipagtulungan ng SBP sa government agencies para sa mga kailangang requirements tulad ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pangunguna ni chairman Butch Ramirez at Deputy Chief Implementer of the National Task Force Against COVID-19 secretary Vince Dizon. Nangako ang SBP na mahigpit na ipapatupad ang mga health and safety protocols para sa kaligtasan ng lahat at sa misyong makapagsilbing magandang host sa 11 koponan mula sa Groups A, B at C.

Lider ng Group A ang Gilas Pilipinas kasama ang Thailand, South Korea at Indonesia habang nasa Group B ang Japan, China, Malaysia at Chinese Taipei. Sa Group C ang Hong Kong, Guam, New Zealand at Australia.

FIBA SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with