^

PM Sports

Mavericks No. 5 na sa West

Pang-masa
Mavericks No. 5 na sa West

DALLAS — Tumipa si Luka Doncic ng 24 points at 10 rebounds para sa 113-109 pagwawagi ng Mavericks sa Brooklyn Nets at upuan ang No. 5 spot sa Western Conference.

Nagdagdag si Tim Hardaway Jr. ng 23 markers at may 17 points at 8 boards si Dorian Finney-Smith para sa pagpapalasap ng Mavericks (38-28) ng ikaapat na dikit na kamalasan sa Nets (43-24).

Hangad ng Mavericks na direktang makapasok sa playoffs nang hindi na maglalaro pa sa bagong play-in tournament.

Binanderahan ni Kyrie Irving ang Nets sa kanyang 45 points kasunod ang 20 markers ni Kevin Durant habang ito ang ika-16 sunod na laro na nasa bench ang may injury na si James Harden.

Sa Los Angeles, umangat ang Clippers (45-22) sa No. 3 spot sa West matapos kunin ang 118-94 panalo sa nagdedepensang Lakers (37-29).

Pito pang players ang tumipa ng double figures para sa Clippers na nasa ilalim ngayon ng Utah Jazz (48-18) at Phoenix Suns (47-19) kasunod ang Denver Nuggets (44-22).

Sa San Francisco, naglista si Stephen Curry ng 34 points para pangunahan ang 118-97 panalo ng Golden State Warriors (34-33) sa Oklahoma City Thunder (21-46) at umakyat No. 8 seat sa West.

Sa Tampa, Florida, umiskor si Bradley Beal ng 28 points at inilista ni Russell Westbrook ang kanyang ika-34 triple-double sa season sa 131-129 overtime win ng Washington Wizards (31-36) sa Toronto Raptors (27-40).

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with