^

PM Sports

FIBA Asia Cup tuluy na tuloy na

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — ‘Di na maaawat ang pagdaraos ng ikatlo’t huling window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga sa susunod na buwan matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hosting request ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

“Inaprubahan din po ng inyong IATF ang request ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na mag-host ng International Basketball Federation, ‘yung FIBA Asia Cup Qualifiers sa June 2021 sa ilalim ng bubble-type setting sa Clark, Pampanga subject to health and safety protocols,” anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nakatakda ang krus-yal na window sa Hunyo 16-20 sa ilalim ng mahigpit na bubble setup sa Quest Hotel kung saan mananatili ang mga koponan at ang Angeles University Foundation Sports and Cultural Center naman ang mga laro.

Ang mga naturang venues din ang nagsilbing hosts ng makasaysayang 2020 PBA Bubble na ginanap ng lagpas dalawang buwan doon.

Tatlong grupo na binubuo ng 12 koponan ang maglalaro sa Clark sa pangunguna ng Gilas Pilipinas, South Korea, Thailand at Indonesia mula sa Group A.

Dadayo rin dito ang Japan, Malaysia, China at Chinese-Taipei ng Group B gayundin ang Australia, New Zealand, Guam at Hong Kong ng Group C.

Lider ng Group A ang Gilas hawak ang 3-0 baraha at isang panalo nalang ang kailangan upang makapasok sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa Indonesia sa Agosto.

Sasagupain ng Gilas ang South Korea sa Hun-yo 16 at 20 gayundin ang Indonesia sa Hunyo 19.

Noong Pebrero sana nakaiskedyul sa Clark ang naturang huling window ng Asia Cup Qualifiers bago napurnada dahil sa travel restrictions sa bansa. Sinalo ng Qatar ang hosting subalit napilitan ding umatras bunsod ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 doon kaya’t bumalik sa Pinas ang hosting rights.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with