_pang-masa
^
No.1 team na uli ang Utah sa NBA

No.1 team na uli ang Utah sa NBA

(Pang-masa) - May 7, 2021 - 12:00am

SALT LAKE CITY — Humataw si Fil-Ame-rican guard Jordan Clarkson ng 30 points kasunod ang 24 markers ni Bojan Bogdanovic sa 126-94 pagrapido ng Utah Jazz sa San Antonio Spurs.

Muling napasakamay ng Jazz (48-18) ang No. 1 spot sa NBA at sa Western Conference playoff race sa kabila ng hindi paglalaro nina injured All-Star backcourt Donovan Mitchell (ankle) at Mike Conley (hamstring).

Pinamunuan ni Luka Samanic ang Spurs (31-34) sa kanyang 15 points at may tig-14 markers sina Devin Vassell at Drew Eubanks habang nalimitahan si DeMar DeRozan sa 6 points.

Nalasap ng San Antonio ang kanilang pang-limang sunod na kamalasan sa karera para sa huling spot sa NBA play-in tournament.

Sa Atlanta, tumipa si Clint Capela ng 18 points sa 135-103 pagpulutan ng Hawks (37-30) sa Phoenix Suns (47-19) para umangat sa No. 5 sa Eastern Conference standings.

Sa Houston, kumamada si Joel Embiid ng 34 points sa loob ng 25 minuto para pamunuan ang Philadelphia (45-21) sa 135-115 pagpapabagsak sa sibak nang Rockets (16-50).

Sa Milwaukee, nalampasan ng Bucks (42-24) ang pagkaka-foul out ni Giannis Antetokounmpo sa huling 1:24 minuto ng laro para itakas ang 135-134 panalo sa Wizards (30-36).

Sa Denver, humugot si Nikola Jokic ng 24 sa kanyang 32 points sa first quarter para pamunuan ang Nuggets (44-22) sa 113-97 paggiba sa New York Knicks (37-29).

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with