_pang-masa
^

4-taekwondo jins ready napara sa Olympic qualifying

Russell Cadayona (Pang-masa) - May 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Noong Enero pa pumasok ang mga national taekwondo jins sa ‘bubble’ training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang paghahanda sa Olympic Games qualifying tournament.

Sinabi kahapon nina national head coach Carlos Padilla at national training director Dindo Simpao na handa nang sumabak ang apat nilang taekwondo jins sa Asian Olympic qualifiers sa Mayo 14-16 sa Amman, Jordan.

“Lahat naman ng players natin ginagawa ang best nila to train,” ani Padilla kahapon sa People Sports Conversation prog-ram ng Philippine Sports Commission (PSC). “Lahat sila very hungry to get an Olympic medal.”

Pupuntirya ng tiket para sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan sina 2016 Rio de Janeiro Olympian Kirstie Elaine Alora, 2019 Southeast Asian Games medalists Pauline Lopez, Kurt Barbosa at Arven Alcantara.

“For sure kapag ginawa talaga nila iyong best nila sa qualification, then sa sacrifices na ginagawa ng mga bata ay magbubunga lahat ito,” dagdag ni Padilla.

Sasabak ang 31-anyos na si Alora sa women’s +73-kilogram at lalahok sina Lopez, Barbosa at Alcantara sa women’s -57kg, men’s -58kg at -68kg. ayon sa pagkakasunod.

“Nasa tamang timeline naman kami and we’re on the final stretch ng preparation for the qualification tournament,” sabi ni Simpao.

Pagdating ng delegasyon sa Amman, Jordan ay sasailalim sila sa swab test at isang araw na self-quarantine.

Sa Asian Olympic qualifiers ay awtomatikong papasok sa 2021 Tokyo Games ang dalawang finalists sa bawat weight division. Nakatakda ang Tokyo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

OLYMPICS TAEKWONDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with