_pang-masa
^

‘Di malilimutan ni Thirdy Ravena ang Japan B. League

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagama’t limitado lang ang na-ging aksyon bunsod ng mga injuries ay hindi malilimutan ni Thirdy Ravena ang kanyang unang taon sa Japan B. League para sa San-en NeoPhoenix sa pagtatapos ng regular season doon.

Pinasalamatan ni Ravena ang NeoPhoenix sa tiwala sa kanya bilang kauna-unahan nitong Filipino import kahit hindi siya nakapaglaro sa huling laban ng koponan na sa kasamaang palad ay nagresulta sa pagkatalo kontra sa Shinshu Brave Warriors, 80-75.

“Season’s finally over. Wish I was able to play more games, but such is life. Thank you to the NeoPhoenix family and boosters for accepting this young and clueless kid from the Philippines with open arms,” anang dating Ateneo stalwart. “It was an experience I will never forget.”

Nagpapagaling pa lang si Ravena sa sore knee injury kaya’t hindi nakasalang sa huling tatlong games ng San-en na nagtapos sa ika-19 na puwesto ng 20-team B. League bitbit ang maalat na 12-47 kartada.

Sa kabuuan, tanging 18 games lang nalaruan ni Ravena dahil sa maraming injuries. Nag-rehistro siya ng 9.1 puntos, 3.6 rebounds at 1.6 assists.

Huling dumating si Ravena sa Japan sa pagsisimula ng B. League noong Oktubre bunsod ng pagka-delay ng kanyang visa bago madale ng COVID-19 noong Oktubre.

Nagtamo rin siya ng fractured finger injury noong Enero na dahilan ng tatlong buwan niyang pagkakawala sa B. League All-Star Game matapos mapili bilang reserve.

THIRDY RAVENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with