_pang-masa
^

PM Sports

Bagong mukha ng Smart

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mga higante sa kung saan-saang larangan ang mga brand endorsers ng Smart Communications Inc. at eto ang nasamahan ni Kai Sotto na bagong kapamilya.

Nasama si Sotto sa sirkulo nina Chris Evans at ng South Korean boy band na BTS, mga kapwa niya bagong pirma bilang Smart endorsers.

At kahit na homegrown, hindi daw maiiwan si Kai sa trato ng Smart kung ihahambing sa mga international endorsers.

Ito eh dahil sa pagsaludo ng Smart sa basketball wunderkind na yumakap sa pamumuhay na may matinding passion at purpose.

“Kai is the new face of Smart, representing and inspiring the youth to live big on their passions. He shares his journey to his followers while pursuing to fulfill his career goals at such a young age,” ani Smart Communications Inc. president/CEO Al Panlilio.

Sasamahan ng Smart si Kai na habulin ang mithiin na maging unang Pinoy homegrown na makalaro sa NBA.

Bago ito, idiniin ni Kai ang commitment na mag-serve sa Gilas Pilipinas sa mga pada-ting nitong international matches.

Sa FIBA Asia Cup qualifiers sa Clark sa susunod na buwan, haharap sa baptism of fire ang 7-foot-3 teen dahil masasagupa niya ang mga higanteng sina Ricardo Ratliffe ng South Korea at Lester Prosper ng Indonesia.

Goodluck, Kai!

SMART COMMUNICATIONS INC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with