^

PM Sports

Bucks pasok na rin sa East playoffs

Pang-masa
Bucks pasok na rin sa East playoffs

MILWAUKEE — Pormal nang inangkin ng Bucks ang unang playoff berth sa Eastern Conference matapos patumbahin ang Brooklyn Nets, 124-118 sa ikalawang pagkakataon.

Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 36 points at 12 rebounds para sa muling paggupo ng Milwaukee (41-24) sa Brooklyn (43-23) matapos ang 117-114 panalo noong Linggo.

Ito ang pang-limang dikit na playoff appearance ng Bucks na naghahangad ng una nilang NBA title matapos noong 1971.

Naisuko ng Milwaukee ang itinayong 10-point lead sa third period bago nakabawi sa fourth quarter para talunin ang Brooklyn, nakahugot kina Kyrie Irving at Kevin Durant ng 38 at 32 points, ayon sa pagkakasunod.

Sa Cleveland, humataw si Devin Booker ng 31 points at nagtala si Chris Paul ng 23 markers at 16 assists para pamunuan ang Phoenix Suns (47-18) sa 134-118 overtime win sa talsik nang Cavaliers (21-44).

Sa Los Angeles, nagsalpak sina Paul George at Marcus Morris ng tig-22 points sa 105-100 pagdakma ng Clippers (44-22) sa Toronto Raptors (27-39).

Sa Miami, pumukol si Tim Hardaway Jr. ng 10 triples para sa kanyang 36 points sa 127-113 paggupo ng Dallas Mavericks (37-28) sa Heat (35-31) paakyat sa No. 5 spot sa Western Conference.

Sa New Orleans, kumonekta si Lonzo Ball ng pitong tres sa kanyang 33-point performance para akayin ang Pelicans (30-36) sa 108-103 panalo sa Golden State Warriors (33-33).

Sa Oklahoma City, nagtala si Buddy Hield ng 18 points at 11 boards sa 103-99 pagdaig ng Sacramento Kings (28-37) sa  sibak nang Thunder (21-45).

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with