^
Malayo na ang narating ni Ravena

Malayo na ang narating ni Ravena

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mula sa pagiging munting estudyante ng Milo Best Center na na-ngangarap lamang noon, makinang na ang bituin ni Kiefer Ravena ngayon.

Lalo pang nagning-ning ang NLEX Road Warriors superstar sa PBA at Milo ambassador bilang kauna-unahang Pilipinong atleta sa prestihiyosong international sneaker line na Jordan Brand.

Ito ang pinakabagong achievement sa makulay ng career ng 27-anyos na si Ravena na naabot niya matapos hulmahin ang kanyang mga skills sa Milo Best Center na siyang pinakamalaking basketball clinic sa bansa at  hinasa niya ng maraming taon.

Hindi na naawat pa ang anak nina PBA icon Bong at volleyball legend Mozzy nang magwagi ng dalawang kampeonato sahog ang dalawang Season MVP para sa Ateneo Eagles sa UAAP seniors bago ma-ging developmental player ng Texas Legends sa NBA Developmental League.

Noong 2017 ay napili siya bilang second overall pick ng NLEX sa PBA Rookie Draft at ngayon ay nagsisilbi nang lider ng koponan at isa sa mga mukha ng Asia’s oldest professional league.

Si Ravena rin ang tanging Pinoy cager na may limang gintong medalya sa Southeast Asian Games bukod pa ang stints para sa Gilas Pilipinas sa iba’t ibang FIBA 5-on-5 at 3x3 tournaments. Noong 2020, siya ang naging team captain ng national team.

Mula sa Milo, UAAP, PBA, Gilas Pilipinas, FIBA at ngayon ay sa internasyunal na pedestal bilang miyembro ng sikat na Jordan Brand, malayo na ang narating ni Ravena.

“My advice to them is to work hard and never let anyone stop you from reaching your goals. The important thing is to trust the work you put in and believe in God that he will help you go through all things,” ani Ravena,”

Malayo pa ang tatahakin ni Ravena ngunit isa na siyang inspirasyon sa kabataang Pilipino na nangangarap ding maging kampeon ‘di lamang sa basketball kungdi pati sa buhay.

KIEFER RAVENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with