^

Brazilian coach malaking tulong sa , Philippine volleyball

Chris Co (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahang magbabalik ang ningning ng women’s volleyball team sa international scene sa pagpasok ni Brazilian coach Jorge Edson Souza de Brito.

Umaasa si Souza de Brito na makakatulong ang malalim niyang karanasan sa Pilipinas para tulungan ang volleyball program ng bansa.

“I could be the fatherly-type, but I want to push myself and the team to work hard to achieve goals,” ani Souza de Brito.

May dalawang taon ang kontrata si Souza de Brito sa Pilipinas.

Numero uno nitong assignment ang tulu-ngang makabalik sa Top 3 ang Pinay spikers sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Vietnam sa Nobyembre.

Kasama pa rito ang partisipasyon ng Pilipinas sa Asian Women’s Championship na kung matutuloy ay posobleng idaos dito sa Pilipinas.

Hindi biro ang rekord ni Souza de Brito na naging miyembro ng men’s volleyball team ng Brazil na nakasungkit ng gintong medalya noong 1992 Barcelona Olympics.

May mga commercial teams na rin itong nahawakan sa Turkey at Japan.

Katuwang ni Souza de Brito sa national team coaching staff si Odjie Mamon.

“I’m very happy to have this chance to come to the Philippines, it’s an honor. I love volleyball and I love the passion Filipinos have for volleyball. They love the sport so much—and there are a lot of fans,” ani Souza de Brito.

Nagsimula na sa kanyang trabaho si Souza de Brito na pinanood  ang ilang videos ng mga laro ng national team partikular na noong 2019 SEA Games sa Maynila.

Nasilayan din ni Souza de Brito videos sa ginanap na national tryouts noong nakaraang linggo upang maging pamilyar ito sa mga hahawakan niyang players.

Sa katunayan, may alam na rin ito tungkol sa Pilipinas dahil sa mga kuwento ni Leila Barros na dating miyembro ng Brazilian national team na sumikat sa Pilipinas noong 1999 at 2000 edis-yon ng FIVB Grand Prix.

“Leila once told me that if ever it struck my mind to move elsewhere, I should be moving to the Philippines,” dagdag ni Souza de Brito.

VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with