^

Mayweather umaming nahirapan kay Pacquiao

Chris Co (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aminado si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. na walang iba kundi si eight-division world champion Manny Pacquiao ang pinakamatinding boksingerong nakaharap nito sa kanyang boxing career.

Isang beses lang nagharap sina Mayweather at Pacquiao noong 2015 kung saan nakuha ng Amerikano ang unanimous decision win.

Usap-usapan noon ang pag-amin ni Pacquiao na may injury ito sa balikat dahilan upang hindi nito maibuhos ang lahat ng kanyang puwersa.

Sa kabila nito, naramdaman nang husto ni Mayweather ang bagsik ng kamao ng Pinoy champion.

“The best fighter I ever fought probably was Manny Pacquiao,” ani Mayweather sa panayam ni Gillie Da King.

Hanga si Mayweather sa bilis at liksi ni Pacquiao sa ibabaw ng ring na itinuturing nitong pangunahing na-ging armas ng Pinoy pug para makalikom ng maraming panalo. “It’s because of his movement. He’s a hell of a fighter and I can see why he won so many fights and I can see why he’s going down as a hall of famer. It’s just certain moves that he makes,” ani Mayweather.

Makailang ulit nang nagtangka ang ilang boxing promoters upang maikasa ang muling paghaharap nina Mayweather at Pacquiao para sa isang blockbuster rematch.

Subalit madalas itong nauudlot dahil sa mga bagay na hindi inaasahan.

Kabilang na rito ang retirement ni Mayweather.

Huli itong lumaban noong 2017 sa aktuwal na 12-round fight nang itarak nito ang 10th round knockout win kontra kay Ultimate Fighting Championship star Conor McGregor.

Mula noon, hindi na muling sumalang pa sa regular boxing fight si Mayweather. 

FLOYD MAYWEATHER JR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with