_pang-masa
^
Kings diniskaril ang pagbabalik ni James

Kings diniskaril ang pagbabalik ni James

(Pang-masa) - May 2, 2021 - 12:00am

LOS ANGELES — Kabiguan ang nalasap ni Le-Bron James sa kanyang pagbabalik sa line-up ng nagdedepensang LA Lakers matapos ang 20-game absence.

Diniskaril ng Sacramento Kings ang muling pag-lalaro ni James nang kunin ang 110-106 panalo sa likod ng 23 points at 10 assists ni Tyrese Haliburton.

Matapos kunin ng Sacramento ang four-point lead, 108-104 sa huling minuto ng fourth period ay idinikit naman ni James ang Lakers sa 106-108 sa natitirang 39.8 segundo.

Nabigo ang Kings (26-37) sa kanilang posesyon habang naimintis ni James ang kanyang tangkang three-pointer sa panig ng Lakers (36-27) na nagresulta sa dala-wang foul shots ni Haliburton para sa final score.

Tumapos si James na may 18 points, 8 rebounds at 7 assists sa kanyang pagbabalik-aksyon makaraang magkaroon ng high right ankle sprain.

Sa Philadelphiia, kumolekta si Dwight Howard ng team-high 19 points at 11 boards at may tig-18 markers sina Ben Simmons, Joel Embiid at Tobias Harris sa 126-104 panalo ng 76ers (42-21) sa Atlanta Hawks (34-30).

Sa Phoenix, umiskor si Devin Booker ng 31 markers at may 18 markers si Mikal Bridges sa 121-100 paggupo ng Suns (45-18) sa Utah Jazz (45-18).

 

KINGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with