^

PM Sports

Gilas Pilipinas vs South Korea

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasado na ang opisyal na schedule ng Gilas Pilipinas sa inaaba-ngang huling window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga sa Hunyo 16-20.

Mapapalaban ang Nationals sa South Korea ng dalawang beses sa Hunyo 16 at 20 habang kikilatisin naman nila ang Indonesia sa Hunyo 19 sa hangaring maipormalisa ang kanilang pagpasok sa FIBA Asia Cup.

Hawak ang 3-0 baraha sa Group A ay isang panalo na lang ang kailangan ng Gilas upang makasikwat ng puwesto sa Asia Cup na gaganapin sa Indonesia sa Agosto.

Sa iba pang laban sa Group A ay magtatagisan ang Korea at Indonesia sa Hunyo 17, Korea ulit kontra sa Thailand sa Hunyo 19 at Indonesia kontra sa Thailand sa Hunyo 20.

Apat na laro sa limang araw ang sasalangan ng karibal ng Gilas na Korea matapos lumiban sa ikalawang window na ginanap sa Bahrain noong Nobyembre.

Bubuuin ng mga cadets at collegiate stars ang Gilas sa gabay nina program director Tab Baldwin at head coach Jong Uichico.

Mangunguna sa koponan sina Isaac Go, Rey Suerte, Mike at Matt Nieto, Allyn Bulanadi, Jordan Heading, Will Navarro, Tzaddy Rangel at Jaydee Tungcab na special draftees ng PBA sa dalawang sunod na rookie drafts na ipinahiram muna sa Gilas.

Nasa training pool din ang ibang cadets na sina Dwight Ramos, Dave Ildefonso, Juan Gomez de Liano, Justine Baltazar at Ange Kouame na malapit nang makumpleto ang naturalization matapos lumusot sa Kongreso at Senado.

Nag-aabang na lamang ang Gilas ng go-signal upang makabalik sa training bubble sa Calamba, Laguna matapos pansamantalang matigil bunsod ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ngayon ay Modified ECQ na lamang sa NCR plus bubble n a kinapapalooban ng Laguna.

 

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with