_pang-masa
^
Bagong porma ang Ginebra

Bagong porma ang Ginebra

Chris Co (Pang-masa) - April 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipaparada ng Barangay Ginebra ang bagong jersey nito sa pagsisimula ng PBA Season 46 Philippine Cup.

Gaya ng karaniwang kulay ng Gin Kings, ginamit nito ang kulay pula at puti para sa dark at light color uniform nito sa bawat laban.

Mabagsik ang dating ng bagong jersey dahil sa mga notasyon na nakasulat sa harap na “One Ginebra Nation” at nasa ilalim naman ang number.

Sa likod ng jersey, makikita naman ang “Bagong Tapang” na patunay na handang-handang makipagbakbakan ang Gin Kings sa paparating na season.

Isinagawa ang presentasyon ng jersey sa pamamagitan ng  Facebook live ng Gin Kings.

Kasama sa presentasyon sina Scottie Thompson, Mark Caguioa, Stanley Pringle, LA Tenorio at Japeth Aguilar na sabik nang gamitin ang bagong jersey sa kanilang mga laro.

“Sobrang excited kami para ipakita sa fans ‘yung bagong jersey namin. Ito na ‘yung gagamitin namin next season. We believe that with One Ginebra Nation, walang ka-Barangay na maiiwan,” ani Thompson.

Masaya ang Gin Kings na ipakita ang bagong mukha ng jersey ngunit nananatili ang iisang harangin na maging matagumpay sa darating na season partikular na ang pagdepensa sa Philippine Cup crown.

“Sa panahon ngayon, kailangan natin ang bagong tapang,” ani Caguioa.

Kanya-kanya naman ng opinyon ang buong kabarangay na lubos din ang kasiyahan sa bagong jersey ng kanilang paboritong tropa.

Tumanggap ng kaliwa’t kanang papuri ang Gin Kings mula sa milyong tagahanga nito dahil muling madaragdagan ang kanilang memorabilia na kinokolekta.

 

BARANGAY GINEBRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with